Skip to main content

Filipino: Wika ng Saliksik

 
Ang ating wika ang isa sa mga salik na nagbubuklod sa atin. Sa kabila ng pagkakaiba ng ating mga diyalekto, sa paggamit ng iisang wika, nakakapagtalastasan tayo nang mainam sapagkat naiintindihan natin ang ideya at saloobin ng isa't isa. Ngunit paano kung sa pagdaan ng panahon, sa halip na mas mapalago ang paggamit ng sariling nating wika sa pagkatuto at pagbabahagi ay mas pipiliin ng karamihan ang wika ng ibang bansa at ang wikang nakukuha nila sa Social Media?

Dito pumapasok ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon, "Filipino: Wika ng Saliksik.”

Kumikilala ito sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Ang wikang Filipino ang sandata sa mas malalim at mas mahusay na talakayan sa pagitan ng mga Pilipino. Ito ang nakagawian nating wika ngunit kadalasan ay gumagamit pa rin tayo ng wikang Ingles sa pagsasaliksik. Tunay ngang naituturo ang wikang ito ngunit mas mapapadali ang pagkatuto kung ang wikang naiintindihan ng lahat ng mga Pilipino ang ginagamit sa paglaganap ng karunungan. Higit na nakakaenganyong matuto kung ang panitikan o araling babasahin ay nauunawaan at mas mapapadali ang pagbabahagi ng nasaliksik kung gagamitin ang wikang nakagawian sa halip na gamitin ang wikang pinapaboran ng karamihan. Kaya naman hindi ko rin talaga lubos mahinuha kung bakit kinakailangan pang bumuo ng ilan ng mga salita na kung tutuusin ay nasa level ng balbal.
                                                                                                  
Mas tatangkilikin ba natin ang wika ng ibang bansa na maganda sa pandinig at nakakapagpasosyal sa ating estado o ang sarili nating wika na magpapadali sa daloy ng karunungan at pagsasaliksik sa ating bansa? Kung patuloy tayong gagamit ng wikang sa iba at tuluyan ng maimpluwensiyahan ang lahat, may matatawag pa ba tayong sariling wika? Habang papalago ang sensiya sa Agham at Matematika, kailangan papalago rin ang wikang sariling atin - ang wikang Filipino.

Comments

  1. Sumasang-ayon ako. Dapat talaga na mas gamitin natin ang ating Pambansang wika. Nakakaalarama na ang ating pagbabago baka kasi sa susunod na henerasyon ay hindi na kikilalanin ng mga Pilipino ang wikang Filipino bilang pambansang Wika. IPINAGMAMALAKI KITA!!

    ReplyDelete
  2. Mahusay, binibini. Kakaib ang iyong pagpapahayag ng iyong saloobin. Wala nang mas maqganda pang konteksto akong nabasa maliban dito. Kinahahangaan kita ng lubos!

    ReplyDelete
  3. ipinakita mo na tunay ka talagang Pilipino. mahusay kaibigan.

    ReplyDelete

Post a Comment